Sun, 19 Jan 2020

Rank 10 sa Nursing board exam, tubong Enrile, Cagayan

Philippine Information Agency
07 Dec 2019, 00:38 GMT+10

Si Marie Abigail Accad Turingan (Larawan kuha sa post ni Bessy

Turingan, ang kanyang ina)

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Disyembre 6 (PIA) - Isa sa mga labindalawa na nakasungkit sa ika-sampung pwesto sa katatapos na Nursing Licensure Examination ay tubong Enrile, Cagayan.

Si Marie Abigail Accad Turingan ay nagtapos sa University of Santo Tomas (UST). Nakapagtala siya ng 87 porsiyento na rating sa nasabing board exam.

Sa Facebook post ng kanyang nanay na si Bessy Turingan, nagpapasalamat siya at pinakinggan ng Panginoon ang kanyang panalangin na makapasa ang kanilang bunsong anak.

"This is more than what we asked for. Thank you Mama Mary and St. Jude," aniya.

"You made us proud anak ko. We love you. God is good all the time," dagdag niya.

Kasama ni Abigail sa rank 10 sina: Arabelle Mae Tiu, Clarice Gabrielle Sanchez, Patricia Dianne Melo, Nicson Madulid, Aaron Kyle Enriquez, John Howell Diric, mga gradweyt din ng UST; Eloisa Portia Ann Banigoos ng Trinity University of Asia; Kierson Brad Barbosa ng Southern Luzon State University -Lucban; Karl Aaron Bayonito ng University of the Philippines-Manila; Sarah Jane Enot ng Velez College; at Francesca Irish Melendres ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission na 7,627 sa 13,816 ang pumasa sa nasabing board exam. (MDCT/PIA-2)

More Dublin News

Access More

Sign up for Dublin News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!